-- Advertisements --
Tinanggal na ng World Health Organization (WHO) ang MPOX bilang international health emergency.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang desisyon ay base na rin sa patuloy na pagbaba ng nasabing mga kaso.
Ilan sa mga grabeng natamaan ng virus ay ang Democratic Republic of the Congo at mga katabing bansa.
Ang nasabing virus ay naililipat sa pamamagitan ng physical contact kung saan magkakaranas ng trangkaso ang mga nadapuan.