-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Malacanang na wala ng kredibilidad ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa pagbibitiw ni dating Public Works Secretary Rogelio Singson na isa sa kanilang tatlong miyembro.
Ayon kay Palace press officer Usec. Claire Castro, na marami pa ring mga magagaling na natira sa ICI kahit na nagibitiw na si Singson.
Maaring isang paninira lamang ang nasabing nagpapakalat ng nasabing usapin.
Magugunitang nagbitiw ang 77-anyos na si Singson sa ICI dahil sa kaniyang kalusugan at seguridad na rin.














