-- Advertisements --

Binigyang-diin ng constitutional expert na si Atty. Domingo Cayosa na ang pakikipagtulungan sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) ang pinakamadaling paraan upang mapauwi si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co mula Portugal.

Giit niya, sa pamamagitan ng red notice ay maaaring maalerto ang mga awtoridad sa ibang bansa upang agad siyang maaresto. Kinumpirma naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kagabi na kanselado na ang pasaporte ni Co.

Inatasan na ng Pangulo ang DFA at PNP na makipag-ugnayan sa mga embahada upang matiyak na hindi makapagtatago si Co sa ibang bansa.

Pinaniniwalaang nasa Portugal si Co matapos umalis sa bansa kasunod ng kasong graft kaugnay ng P289.5-milyong flood control project sa Oriental Mindoro.

Gayunman, hamon pa rin ang kawalan ng extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal kaya’t mahalaga ang masinsing koordinasyon ng mga ahensya.