-- Advertisements --

Nanatiling pangunahing infectious killer sa buong mundo ang Tuberculosis.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na mayroong 1.23 milyon ang nasawi dahil sa TB noong nakaraang taon.

Ang nasabing bilang ay mas mababa ng tatlong porsyento noong 2023 at bumaba ito kada taon ng hanggang dalawang porsyento.

Nanguna ang bansang India na may mataas na kaso ng TB habang pangalawa ang Indonesia , pangatlo ang Pilipinas, pang-apat ang China, pang-lima ang Pakistan, pang-anim ang Nigeria , pang-pito ang Democratic Republic of Congo at pang-walo naman na may mataas na kaso ang Bangladesh.

Mula noong taong 2000 ay nakaligtas ng 83 milyon na buhay ang agarang gamutan sa nasabing sakit.