Nagdaos ng prayer rally ang mga tagasuporta ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite nitong Linggo, Pebrero 8, 2026.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagkakakulong ng dating Senador sa Quezon City Jail kaugnay ng umano’y P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Dumalo ang kanyang asawa na si Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla, na nakitang may hawak na kandila habang isinasagawa ang prayer rally.
Pinangunahan ang rally ng dasal ng mga religious leader mula sa born-again, Katoliko, at Muslim sector.
Nakiisa rin ang mga tagasuporta ng dating Senador na nakasuot ng puti at may asul na laso bilang simbolo ng pakikiisa sa pamilya Revilla.
Nagpasalamat naman si Rep. Lani sa patuloy na suporta at emosyonal na nagpahayag ng bigat ng pinagdaraanan ng kanilang pamilya, sabay iginiit ang kanilang pag-asa at pananampalataya sa Diyos.











