Nagpahayag din ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) sa pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

Sinabi ni WHO Rep. Dr. Abindra Abeyasinghe, mas mataas pa sa national average ang test positivity rates ng nasabing mga lugar gaya ng Metro Manila, Cebu City at umano’y “emerging hotspots” sa region 8 gaya sa Leyte at Samar.

Ayon kay Dr. Rabi, nagsimula ang pagtaas ng COVID-19 cases sa mga nabanggit na lugar ng magpatupad ng “relaxation” sa lockdown.

Pero sa kabila nito, kinilala pa rin ni DR. Rabi ang ginagawang estratehiya ng Pilipinas na mas maganda umano kumpara sa ibang bansang matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Kabilang umano dito ang pagpapatupad ng maagang lockdown na nakapigil sa posibleng daang libong kaso at libu-libong pagkamatay sa virus.

Hindi rin minasama ng kinatawan ng WHO ang dumaraming bilang ng COVID-19 cases na naiuulat dahil resulta ito ng pinalawak na testing capacity at nade-detect ang transmission.