Nagbitiw sa kaniyang tungkulin si White House deputy press secretary TJ Ducklo.

Ito ay matapos na bantaan ang isang reporter ng tanungin tungkol sa personal buhay nito.

-- Advertisement --

Hindi nagustuhan kasi ni Ducklo ang tanong sa kaniyang relasyon sa isang reporter.

Ayon kay White House press secretary Jen Psaki na tinanggap nila ang resignation ni Ducklo matapos na ito ay kanilang kausapin.

Suportado naman ni US President Joe Biden ang ginawang pagbibitiw ni Ducklo.

Sa panig naman ni Ducklo na labis itong nagsisi sa kaniyang ginawang hakbang.