Kinompronta ni US President Donald Trump si South African President Cyril Ramaphosa.
Nasa White House ang South African President para isulong ang magandang samahan nila ng US.
Sa ginawang pulong sa oval office ay ipinakita ni Trump sa pangulo ng South Africa ang video ng hate speech at genocide laban sa mga white South African farmers.
Inakusahan ni Trump si Ramaphosa na kinukumpiska ang mga lupain ng mga white farmers at kanila itong pinagpapatay.
Naging mahinahon naman ang South African President kung saan itinuro nito ang mga minority out-of-government parties na siyang nasa likod umano ng nasabing video.
Hindi gaya umano ng ginawang pagbisita noon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa White ay naging mahinahon naman ngayon ang South African president.