warriors
Golden State Warriors/ Photo courtesy of NBA

Desidido ang Golden State Warriors na madala pa sa Game 7 ang NBA Finals nila ng Toronto Raptors.

Ito ay dahil sa hawak ng NBA Defending champion ang home-court advantage sa Game 6 ngayong araw.

Ayon naman kay Warriors coach Steve Kerr na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para manalo sa Game 6.

Malaking hamon sa kanila ngayon ang laban dahil sa kawalan ng kanilang forward player na si Kevin Durant at ang questionableng paglalaro din ni Kevin Looney na nasaktan ang kaniyang injury noong Game 5.