-- Advertisements --

Pumirma na ng contract extension ang 2020 No. 2 overall pick na si James Wiseman sa Indiana Pacers.

Pinirmahan ni Wiseman ang two-year, minimum-salary contract na nagkakahalaga ng $5.6 million.

Kalakip nito ang isang milyon na partial guarantee ngayong season at team option sa ikalawang taon.

Nitong nakalipas na season ay nagtamo ang bigman ng season-ending torn Achilles ngunit inaasahang makakapaglaro na siya sa susunod na season.

Posibleng pupunan ng seven footer ang center position na binakante ni Miles Turner na tuluyan nang lumisan at kamakailan ay pumirma ng extension sa Milwaukee Bucks.

Bagaman malaki ang inaasahang potential mula kay Wiseman, nananatiling minimal lamang ang kaniyang kontribusyon sa hardcourt sa loob ng limang taon na paglalaro sa liga.

Hawak nito ang average na 9.1 points per game at 5.6 rebounds per game sa loob ng 18.9 mins na inilalaro sa bawat game.