Nagbanta si U.S. President Donald Trump na maaaring bawiin ang US citizenship ng komedyanteng si Rosie O’Donnell, isa sa mga matagal nang kritiko ng Pangulo.
Sa isang post sa Truth Social noong Sabado ng umaga, sinabi ni Trump: “Because of the fact that Rosie O’Donnell is not in the best interests of our Great Country, I am giving serious consideration to taking away her Citizenship.”
Dagdag pa ng Pangulo, dapat umanong manatili sa Ireland si O’Donnell, kung saan nanirahan ito matapos muling manalo si Trump bilang pangulo ng Amerika.
Nabadtid na kinondena noon ni O’Donnell ang pahayag ni Trump sa isang Instagram post nito, kung saan sinabi niyang layon ng pangulo na patalsikin ang lahat ng kumokontra sa kanyang mga layunin. Tinawag rin niya si Trump na ”evil tendencies,” at ”who lacks empathy compassion and basic humanity.”
Ang banta ni Trump ay kasunod ng mas pinaigting na hakbang ng kanyang administrasyon na gawing prayoridad ang denaturalization o pagbawi ng citizenship ng ilang naturalized citizens na nasangkot sa mga krimen, ayon sa isang memo ng Department of Justice noong Hunyo 11.
Hindi lamang si O’Donnell ang target ni Trump. Kamakailan, binanggit din niya ang posibilidad na kanselahin ang citizenship ni New York Assemblyman Zohran Mamdani, isang naturalized citizen mula Uganda na nanalo sa Democratic mayoral primary ng New York City.
Ayon kay Trump, ”A lot of people are saying he’s here illegally.”
”We’re going to look at everything,” dagdag pa nito.
Samantala, bumuwelta naman si Congresswoman Maxine Waters at sinabing kung magpapasimula si Trump ng denaturalization, maaaring simulan niya ito sa kanyang asawang si Melania Trump, na naturalized citizen mula Slovenia.