-- Advertisements --

Binantaan ni US President Donald Trump na bilang na ang araw ni Venezuelan President Nicholas Maduro.

Kasunod ito sa patuloy ang paglalagay ng US military units sa Caribbean.

Kasama na rin ang magkakasunod na insidente ng air-strikes ng US sa mga sasakyang pandagat na may dalang iligal na droga.

Itinanggi rin ni Trump na magkakaroon ng giyera sa pagitan ng US at Venezuela.

Bagamat hindi nito inamin ang plano ng pag-atake sa military installation sa Venezuela ay hindi naman nito isinasantabi ang posibilidad.

Magugunitang nahaharap sa kaso si Maduro sa US dahil sa drug trafficking.

Inakusahan din ni Maduro si Trump na ginagamit ang usaping iligal na droga para tuluyang sakupin ng US ang kanilang langis.