Naging malaking tulong ang Jalaur Dam upang mapababa ang bulto ng tubig na bumagsak sa mga kabahayan sa maraming lugar sa Panay Islands.
Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), nagawa ng bagong dam na makaipon ng 19.57 million cubic meters per second ng tubig sa kasagsagan ng mga pag-ulan na dulot ng bagyo.
Batay sa official data ng dam, nasa 95.37 million cubic meters ang antas ng tubig sa naturang dam noong Nobiyembre-3 o bago ang malawakang pag-ulan.
Pagsapit ng Nobiyembre-5, umabot na ito sa 114.19 million cubic meters.
Binigyang-diin ng ahensiya na kung wala ang naturang dam, ang milyon-milyong metriko kubiko ng tubig ay posibleng dumaloy sa mababang komunidad na naaapektuhan ng Jalaur River hanggang sa mga kabahayan malapit sa Guimaras Strait.
July 16, 2024 nang pormal na pinasinayaan ang naturang dam.
Ito ang pinakamalaking dam na naitayo sa labas ng Luzon.
















