-- Advertisements --

Kanselado ang apat na biyahe patungong Occidental Mindoro sa  Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw ng Miyerkules, Nobiyembre 5.

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na epekto ng Severe Tropical Storm Tino.

Base sa abiso mula sa PITX, Kanselado ang biyahe ng RORO bus patungong San Jose Occidental Mindoro kaninang alas-12:30 ng tanghali. Nauna ng sinuspendi nito ang first trip kaninang alas-8:30 ng umaga.

Gayundin kanselado ang biyahe ng OM Trans patungong San Jose Occidental Mindoro mamayang alas-5:30 ng hapon.

Nauna na ring nagkansela ng biyahe ang Ceres transport kaninang alas-6:30 ng umaga sa parehong destinasyon.