Ang bago nitong kontrata ay nagkakahalaga ng $239 million at magtatagal sa loob ng limang taon.
Sa inilabas na pahayag ni Magic President of Basketball Operations Jeff Weltman, ang bigtime contract ng bagitong forward ay bilang pasasalamat sa ambag nito sa organisasyon, mula noong siya ay na-draft bilang overall No. 1 pick.
Bahagi ng kontrata ni Banchero ay ang player option sa huling taon ng kontrata.
Ngayong season ang huling bahagi ng kaniyang rookie deal kung saan makakatanggap pa siya ng $15.3 million.
Mula sa mahigit $15 million per season na sahod, inaasahang tataas na ito sa $41 million kada season kapag naging epektibo na ang kaniyang bagong kontrata.
Sa nakalipas na season, kumamada ang Magic forward ng 25.9 ppg at 7.5 rebounds per game, na parehong career high para sa kaniya. Nagawa niyang pangunahan ang koponan sa playoffs sa ikalawang magkasunod na season.
Nagawa na rin ng bagitong forward na magbulsa ng iba’t ibang NBA award tulad ng Rookie of the Year, maging bahagi ng All-Star, atbpa.