Inangkin ng Golden State Warriors ang No. 1 seed sa Western Conference nang tambakan nila nang husto ang LA Clippers, 131-104.

Tumipon ng 27 points si Stephen Curry upang tapusin din ng back-to-back champions ang kanilang huling laro sa regular season sa Oralce Arena na may panalo.

Nagdagdag din ng 16 points at pitong assists si Kevin Durant para itala rin ng Warriors ang kanilang ikalimang dikit na panalo.

Nagsilbi namang top scorer ng dumayong Clippers si Landry Shamet na tumabo ng 17 points, kabilang na ang limang 3-pointers.

Sa pagkatalong ito, nalaglag ang Clippers sa isang seventh-place tie kontra sa San Antonio Spurs sa West.

-- Advertisement --