-- Advertisements --

Pinatawan ng NBA ng $50,000 na multa si Golden State Warriors forward Draymond Green.

Kasunod ito sa ginawa niyang pag-kuwestyon sa integridad ng mga game officials noong Game 3 ng Western Conference semifinals.

Ayon sa NBA na hindi tama na akusahan ni Green ang mga game officials.

Sa nasabing laro ay na-fouled out si Green sa kalagitnaan ng last quarter kung saan tinalo sila ng Minnesota Timberwolves 102-97.