-- Advertisements --

Pumirma na ng kontrata si Brook Lopez sa Los Angeles Clippers.

Hawak ni Lopez ang $18-million contract sa Clippers na magtatagal ng dalawang taon.

Kinuha ng Clippers ang dating Milwaukee Bucks bigman upang magsilbing pangunahing rim protector, kasama ang mga bigating player na sina Kawhai Leonard, James Harden, at Ben Simmons.

Sa edad na 37, nagawa ni Brooks na magposte ng 13 ppg, 5 rpg, at 1.9 blocks sa loob ng 80 games na kaniyang inilaro nitong nakalipas na season kasama ang Bucks.

Nagagawa pa rin ng bigman na maglagi ng 31.8 mins sa bawat laro, hawak ang 51% overall shooting.

Ibinulsa rin ni Lopez ang tatlong magkakasunod na season kung saan nakagawa siya ng mahigit 100 3-pointer, at mahigit 100 blocks.

Si Lopez ang isa sa mga pangunahing miyembro ng Milwaukee Bucks na nagbulsa ng championship noong 2021, kasama sina Giannis Antetokounmpo, Khris Middleton, Jrue Holiday, at PJ Tucker.

Sa loob ng kaniyang paglalaro sa liga, dalawang beses siyang naging bahagi ng All-Defensive Team selection at minsan ding napasama sa NBA All-Star selection, at hawak ang isang championship trophy.