-- Advertisements --

Hindi nakaporma ang Los Angeles Clippers laban sa New Orleans Pelicans matapos silang matalo ng 15 puntos, 124-109.

Hindi naging sapat ang 25 puntos, 8 rebounds, at dalawang steal ng NBA star na si Kawhi Leonard upang makuha ang panalo, matapos ang matinding comeback ng Pelicans.

Hawak ng Clippers ang 40-26 lead sa pagtatapos ng unang quarter, ngunit sa sumunod na tatlong quarter ay unti-unting binura ng Pelicans ang kalamangan.

Pinangunahan ni guard Trey Murphy III ang Pelicans sa kanyang 23 puntos, 7 rebounds, at 3 steal. Malaking tulong din ang 25 puntos na ibinigay ng bigman na si Saddiq Bey sa kanilang pagbabalik.

Sa kasalukuyan, hawak ng Clippers ang 34-34 win-loss record, habang ito pa lamang ang ika-34 na panalo ng Pelicans ngayong season.