-- Advertisements --

Inaasahang maglalaro na sa New Orleans Pelicans ang 2-way player na si Benedict Mathurin sa susunod na season ng NBA.

Pumayag ang 24-anyos na forward/ guard sa dalawang-taong kontrata kasama ang Pelicans, na nagkakahalaga ng $16 million.

Si Mathurin ang isa sa mga pangunahing bench player sa Indiana Pacers noong nakapasok ang koponan sa 2025 NBA Finals.

Isa sa mga malaking kontribusyon niya sa naturang finals ay sa Game 7 kung saan nagawa niyang magpasok ng career-high 27 points sa loob lamang ng 22 minutes na kaniyang paglalaro.

Sa nakalipas na season, napanatili niya ang average na 17.6 ppg, 5.4 rpg at 2.4 apg sa loob ng 54 games na kaniyang inilaro sa regular season.

Taong 2022 noong napili ang bagitong player bilang 6th overall pick ngunit matapos ang ilang taon niyang pananatili sa Pacers ay tuluyan din siyang lumipat sa Los Angeles Clippers.

Ilang match lamang ang kaniyang inilaro sa Clippers bago tuluyang pumayag sa 2-year contract kasama ang Pelicans.