Nanawagan ang ilang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ang civil society group na Climate Conflict Action Asia (CCAA) sa mga mambabatas na magpasa ng anti-discrimination law na nagbibigay suporta sa mga persons deprived of liberty (PDL).
Sa ginawang pulong ng CCAA kasama ang BJMP ay tinalakay dito ang mga balakid na bitbit ng mga PDLs matapos na sila ay nakakalaya na.
Pinangunahan ni Ms. Phoebe Adorable, Programme Manager of CCAA at Professor Francisco “Pancho” Lara Jr., Executive Director of CCAA ang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng BJMP na pinangungunahan nina Jail Senior Superintendent Lorelina Mina, Acting Director for Welfare and Development ng BJMP; Jail Superintendent Jayrex Joseph Bustinera, tagapagsalita ng BJMP; Jail Senior Superintendent Michael Angelo Caceres, Chief Legal Officer ng BJMP ang dalawang araw na pagpupulong.
Nagpalitan ang mga ito ng kanilang kaalaman na tumatalakay sa reintegration ng restorative justice para sa mga “Persons Deprived of Liberty”.
Sinabi ni Bustinera na mayroong mga programa ang BJMP sa gaya ng pasasailaim sa Alternative Learning System (ALS) ng mga PDLs para makapagtapos ng elementarya at sekondarya.
Subalit nagkakaroon lamang ng problema dito ay hindi sila nakakakuha ng trabaho kaya napipilitan silang bumalik sa mga maling gawain.
Ayon naman kay Prof. Lara, na mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko para maiwasan na pandirihan ang sinumang PDLs na nakalaya na.
Ilan sa mga suhestiyon ng BJMP ay ang pagkakaroon ng tax incentives sa mga private employee na makapag-hire ng mga PDL ganun din ang pagpasa ng batas laban sa diskriminasyon sa trabaho.
Plano ng CCAA na magsasgawa ng ilang multisectoral meetings para maisapinal ang polisiya at mailapit sa kongreso ng makabalangkas ang mga ito ng batas.