-- Advertisements --

Mawawala muli si Stephen Curry sa Game 5 ng Western Conference semifinals laban sa Minnesota Timberwolves dahil sa natamong strained left hamstring na nakuha niya noong Game 1. Dahil dito, ang Golden State Warriors ay haharap sa elimination game ngayong Miyerkules na wala ang kanilang star player.

Nabatid na hindi nakalaro si Curry sa tatlong sunod na talo ng Warriors (Games 2, 3, at 4), kaya’t nalagay sila sa 3-1 series deficit. Matapos ang Game 4, sinabi ni Curry sa isang panayam, “Even if I wanted to be Superman, I couldn’t,” bilang tugon sa komento ni Draymond Green na hindi dapat pilitin ang pagbabalik ni Curry kung hindi pa siya handa.

Nanindigan si Green na dapat unahin ang long-term health ni Curry at hanapan ng paraan ng koponan kung paano manalo kahit wala siya.

Sa unang round ng playoffs kontra Houston Rockets, nag-average si Curry ng 24 points, 5.9 rebounds, at 5.7 assists. Sa regular season naman, nagtala siya ng 24.5 points, 4.4 rebounds, at 6 assists per game.

Si Curry ay 11-time All-Star, 2-time MVP, at 4-time NBA champion. Siya rin ang all-time leader sa 3-pointers sa NBA, may kabuuang 4,058 na tres—halos 900 higit kaysa sa pumapangalawang si James Harden.