CENTRAL MINDANAO – Nahuli ang isang wanted person ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si John Rudy Antiola alyas Julie Alon na residente ng Sitio Natipakan, Barangay Latagan, Matalam, North Cotabato.

Nadakip ang suspek ng pulisya nang isilbi nito ang warrant of arrest sa kasong direct assault upon an agent of a person in authority with frustrated murder.

Inisyu ni Judge Jose Tabaosares, presiding judge ng RTC Branch 23, Kidapawan City na may petsang August 11, 2017.

Narekober kay Antiola ang isang kalibre .45 na pistola, isang granada, isang magazine at isang improvised explosive device.

Ang suspek ay nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Matalam PNP at patuloy na iniimbestigahan.