Reading Time: 1 minute
Saudi aramco attacks oil drone

KORONADAL CITY – Nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia sa kabila ng drone attacks sa state-owned Saudi Aramco oil facilities nitong weekend.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo Middle East correspondent Boyet Forro, sinabi nitong agad nagpalabas ng statement ang Philippine Embassy sa Riyadh na nagsasabing walang Pinoy na nadamay sa pag-atake at kontrolado na ng Saudi government ang sitwasyon.

Gayunman, pinaalalahanan pa rin ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Saudi na manatiling kalmado at mapagmatyag.

Patuloy ang isinasagawang monitoring at pakikipag-ugnayan ng embahada upang mapasigurong ligtas ang mga Pilipino sa Saudi Arabia.