-- Advertisements --

Inilalatag ngayon ng Department of Information and Communications Technology ang pag-rollout sa kanilang mga inisyatibong isinasagawa sa pagsugpo ng digital security risks ngayong darating na eleksyon.

Pinangunahan mismo ng kanilang Cybersecurity Bureau o CSB ang isang Vulnerability Assessment at Penetration Testing (VAPT) sa mga gagamiting digital infrastructures.

Layunin nito na maseguro at matukoy ang mga posibleng maging banta sa seguridad ng magiging takbo ng halalan sa pagboto ng mga Pilipino.

Pati ang integridad ng election process ay layon ding matiyak sa patuloy na implementasyon ng mga security protocols lalo na sa mga digital infrastructures.

Kinilala rin ng kagawaran na ang deployment ng Public Key Infrastructure (PNPKI) digital certificates ay isang hakbang tungo sa technological advancement mapanatili lamang ang seguriad ng eleksyon.

Kung saan binigyang diin ng kasalukuyang kalihim ng DICT na si Secretary Henry Aguda ang kahalagahan ng bawat boto ay katumbas din ng importansya sa kada-byte ng digital information.

Kasabay din nito ang pagtitiyak ng kanilang kagawaran na makikipagtulungan sa Commission on Elections Advisory Council lalong lalo na ngayong darating na eleksyon.