-- Advertisements --

Naproseso na ang haos 1.2 milyong aplikasyon para sa voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections sa Nobiyembre 2, 2026.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), base sa datos na inilabas nitong Lunes lumalabas na pumalo na sa kabuuang 1, 167, 115 ang bilang ng aplikasyon sa buong bansa para sa barangay elections.

Sa naturang bilang, mahigit 600,000 ay mga kababaihan habang mahigit 500,000 naman ang kalalakihan.

Ayon sa poll body, nasa mahigit 900,000 ang nag-apply bilang regular voters habang nasa mahigit 300,000 naman ang mga bagong botante na nasa edad 18 anyos pataas.

Mayroon ding mahiit 340,000 indibidwal ang lumipat mula sa ibang siyudad o bayan, habang may mahigit 48,000 ang nag-apply para sa reactivation.

Matatandaan, sinimulan ang registration period noong Oktubre 20, 2025 at magtatagal hanggang sa Mayo 18, 2026.