-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng special elections ang Commission on Elections (COMELEC) sa ikalawang distrito ng Antipolo City.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, layon nito ay para magkaroon ng kapalit ang namayapang si Representative Romeo Acop.

Target ng COMELEC na isagawa ang nasabing halalan sa buwan ng Marso 14.

Aabot sa mahigit 270,000 na mga botante ang naitala ng COMELEC sa ikalawang distrito ng Antipolo.

Magugunitang noong buwan ng Disyembre ng pumanaw ang mambabatas dahil sa inindang sakit.