Matapang na sinagot ni VP Sara Duterte ang mga mambabatas na bumatikos sa kanya, tinawag silang “mga produkto ng warlordism” sa pulitika ng Pilipinas.
Tinutukoy ng bise Presidete sina Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong at House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V. Unang inakusahan ni Adiong si vP Duterte ng pagpapalaganap ng “shame campaign” at hinimok siyang ibalik ang “disenteng kampanya.” Si Ortega naman ay nagtanong sa katapatan ni Duterte sa bansa dahil umano’y tahimik ito sa isyu ng agawan ng teritoryo sa China.
Dagdag pa niya, si Cong Ortega ay kapareho lang ni Cong. Adiong—produkto rin ng warlordism sa bansa. Kaya marapat na lamang na manahimik aniya ang mga ito.
Nilinaw rin ng Bise Presidente na wala siyang dahilan para atakehin ang China habang nangangampanya siya sa Pilipinas.
Tumatagal ang banggaan sa pagitan ni Duterte at ng mga kongresista matapos ang mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo sa Department of Education at Office of the Vice President.
Umigting ang tensyon nang ipasa ng Kamara ang impeachment laban kay Duterte noong Pebrero 5; kasalukuyang nakabinbin ang paglilitis sa Senado. (report by Bombo Jai)