-- Advertisements --

Nagsimula ng magtaas ng singil sa pamasahe ang ilang ferry operators sa bansa dahil sa nararanasang krisis sa Gitnang Silangan.

Habang ang ilang mga ferries say sa darating na Marso 10 pa magpapatupad ng taas pasahe ng hanggang 25 percents.

Maging ang bayarin sa rolling cargoes kasama na ang mga sasakyan ay tataas pa rin.

Ayon kay Christopher Pastrana, chairman ng Philippine Interisland Shipping Association (PISA) na hindi na nakakayanan ng mga member companies ang patuloy na pagtaas ng petrolyo kaya magtataas na sila ng pamasahe ng mula 10 hanggang 30 percent.

Hiniling nito sa gobyerno na dapat rin ay tanggalin na ang excise tax sa produktong petrolyo ganun ang ilang bayarin at buwis na ipinapataw sa mga shipping companies.