Inatasang magkumento ng Korte Suprema sina Vice President Sara Duterte at Atty. Israelito Torreon hinggil sa mosyon inihain ng Kamara.
Matapos kasing magsumite ito ng ‘Motion for Reconsideration’, agarang naglabas ng kautusan ang Korte Suprema sa dalawang nabanggit na petitioners upang ibahagi ang kanilang panig.
Bunsod ito ng isagawa ng Kataastaasang Hukuman ang En Banc session ngayong araw, ika-5 ng Agosto sa taong kasalukuyan.
Binigyan lamang sila ng hindi tatagal sa sampung (10) araw para kanilang isumite ang kumento hinggil sa mosyon kaugnay sa Impeachment.
Sa panig naman ng ikalawang pangulo, kinumpirma ni Atty. Michael Poa, legal counsel nito para sa Impeachment na sila’y susunod sa inilabas na kautusan ng Kataastaasang Hukuman.
Maaalalang ideneklara ng Supreme Court ang ‘articles of impeachment’ bilang ‘unconstitutional’ sa paglabag ng Kamara sa ‘1 year rule’ paghahain ng impeachment complaint at ‘due process’ na dapat isinaalang-alang sa pagproseso ng reklamo.