Iniulat ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) – Cagayan de Oro at Misamis Oriental Chapter na bumaba sa 51 percent ang voter turnout sa Misamis Oriental noong May 12, 2025 midterm elections, malayo sa 86.8% noong 2022 at 78.7% noong 2019.
Sa kabilang banda, nanatiling matatag ang voter turnout sa Cagayan de Oro City sa 72%, bahagyang mas mataas kaysa noong 2022. Ayon sa NAMFREL, ang pagbaba ng bilang ng mga bumoto ay maaaring dulot ng voter fatigue, disilusyon sa pulitika, paglipat ng tirahan, at iba pang hadlang tulad ng seguridad at kakulangan sa impormasyon hinggil sa bagong proseso ng halalan.
Hinikayat ng grupo ang masusing pag-aaral sa mga ugat ng voter disengagement upang mapanumbalik ang tiwala ng publiko sa halalan at mapabuti ang partisipasyon ng mga Pilipino sa mga susunod na eleksyon.