-- Advertisements --
Kinasuhan na ng Philippine National Police (PNP) ang isang vlogger na nagpakalat ng balitang ni-raid umano ang bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni PNP public information chief Col. Randulf Tuaño, nanguna ang Police Regional Office 11 sa pagsasampa ng kaso.
Nagbunsod ang nasabing kaso ng ipakalat ng vlogger na hindi bababa sa 30 mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at 90 ng mga personnel ng Special Action Force (SAF) ang lumusob sa bahay ng dating Pangulo noong Abril 30.
Una ng itinanggi ng PNP ang nasabing operasyon kung saan para labanan ang pagkalat ng pekeng balita ay kanila kakasuhan ang nagpakalat nito.