-- Advertisements --

Kinondina ng Venezuela ang pahayag ni US President Donald Trump na dapat ay ikonsiderang sarado na ang airspace nila.

Ayon sa foreign ministry office ng Venezuel na ang pahayag na ito ng US President ay isang panghahamak , iligal at hindi makatarungang pagsupil laban sa mga mamamayan ng Venezuela.

Walang karapatan aniya ang US na isara ang airspace ng anumang bansa at tinawag nila na isa itong “Colonialist threat”.

Magugunitang nagpadala ang US ng kanilang mga warship at pinalakas ang presensya sa karagatan ng Venezuela.

Nagsagawa rin ng US ng nasa 21 airstrikes sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga.