-- Advertisements --
Sinibak ni US President Donald Trump si Homeland Security Secretary Kristi Noem.
Ayon kay Trump na ipapalit niya dito si Oklahoma Sen. Markwayne Mullin.
Pinasalamatan ni Trump si Noem dahil sa trabaho nito lalo na sa magadang resulta laban sa immigrants.
Simula sa Marso 31 ay papalitan ni Mullin si Noem.
Nagpasalamat naman si Noem kay Trump dahil sa pagbibigay na opurtunidad para siya ay makapagtrabaho sa Department of Homeland Security.
Magugunitang nahaharap sa batikos si Noem dahil sa magkakaibang pahayag nito ukol sa pagkakasangkot ng mga federal agents sa pamamaril noong ipinapatupad ng anti-immigrants campaign sa Minnesota.
















