Hiniling ng Vatican sa Instagram na imbestigahan ang ginawang pag-like ng official account ni Pope Francis sa isang Brazilian model.

Kasunod ito sa lumabas na usapin na nailike ng Santo Papa ang larawan ng model na si Natalia Garlbotto na nakasuot lamang ng schoolgirl-style undergarments.

Dahil dito ay nagpost ang sexy model na may caption na natanggap nito ang official blessing ng Santo Papa.

Sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni na nakikipag-ugnayan na sila sa Vatican at inaalam nila ang pangyayari.

Nasa mahigit 7.4 million ang followers ng Santo Papa sa official Instagram account.