LAOAG CITY – Kinumpirma ni Fire Officer 3 Leo Balicao ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bangui, Ilocos Norte ang pagkasunog ng isang van sa mismong gasolinahan sa Barangay Lanao sa nasabing bayan.

Kinilala ni Balicao ang may-ari sa van na si Marlon Torado, taga Barangay Poblacion sa bayan ng Burgos.

Base aniya sa inisyal nilang imbestigasyon, bigla na lamang lumiyab ang van habang nasa gasolinahan.

Subalit agad nakalabas si Torado bago pa man lumaki ang apoy.

Dahil sa nangyari ay may ilang parte ng gasolinahan na kasamang nasunog.

Hanggang ngayon ay hindi pa madetermina ng BFP ang kabuuang danyos ng insidente at kung bakit nasunog ang nasabing van.