LAOAG CITY – Umaasa si Governor Matthew Marcos-Manotoc na mag-host ulit ang Ilocos Norte sa Palarong Pambansa.
Inihayag ito ng gobernador matapos ang matagumpay na pagsagawa ng Palarong Pambansa dito sa lalawigan ngayong taon.
Tiniyak ni Manotoc na kung mabigyan ulit ng pagkakataon ang lalawigan na mag-host sa palarong pambansa ay sinisiguro nito na mas malawak at maganda pa.
Sa closing ceremony ng Palarong Pambansa 2025, hinikayat ng gobernador ang mga delegates na bumalik sa Ilocos Norte anumang oras, isama na rin nila ang kanilang pamilya at kaibigan para bisitahin ang mga magagandang lugar dito sa lalawigan.
Samantala, inihayag din ni Department of Education Sec Sonny Angara na maituturing ang opening ceremony ng Palarong Pambansa 2025 na isa sa mga pinakamaganda sa kasaysayan ng Palaro dahil pwede na rin pang-Southeast Asian Games at pang-Asian Games.
Maalala na sa katatapos na Palarong Pambansa 2025 ay nanatili ang National Capital Region na overall champion sa loob ng 18 taon.
Sa ngayon ay nanatili pa rin ang ibang delegates dito sa Ilocos Norte, kasama na ang mga taga National Capital Region kahit tapos na ang palarong pambansa dahil fully-booked na lahat ang biyahe-pabalik sa Metro Manila kung saan bukas pa may available na biyahe.