-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nakita ng isang turista mula sa Metro Manila ang isang pakete ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang isang kilo ang bigat at nagkakahalaga ng P6.8 milyon na palutang-lutang sa dagat sa Barangay Pangil sa bayan ng Currimao dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon kay P/Capt. Melvin Soriano, hepe ng Currimao Municipal Police Station, ang pakete ay nakabalot sa silver foil at transparent plastic na may larawan ng durian at Chinese characters.

Aniya, papunta na ang turista sa dagat nang makita niya ang pakete na lumulutang sa mababaw na bahagi ng Pangil Rock Formation.

Una umanong natakot ang turista at nag-alinlangan pa dahil baka may bomba ang laman ng pakete.

Batay aniya sa imbestigasyon, ang nakitang pakete ng turista ay katulad ng mga pakete na naglalaman ng mga binulto-bultong kontrabando na nasabat ng mga mangingisda sa dagat sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Nauna rito, ilang mangingisda sa mga kalapit na lalawigan ang nakakita rin ng malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng milyon at bilyong piso.

Ito ay matapos na napagkasunduan ng Senado sa botong 18 ang sumang-ayon, lima ang tumutol at walang nag-abstain na ibalik sa Kamara ang impeachment complaint laban sa bise presidente.

Ayon kay Kabataan partylist spokesperson Atty. Rennee Co, kinokondina nila ang unconstitutional na hakbang ng Senado at maliwanag pa sa sikat ng araw na delaying tactics ang kanilang ginagawa.

Malakas aniya ang kanilang panawagan na gawin ang lahat upang maipagpatuloy ang impeachment trial ngunit ang nangyari ay kabaliktaran sa kanilang nais at apela kung kaya’t dismayado ang mga ito sa ginawa ng mga opisyal ng Senado.

Ayon pa kay Atty. Co, inaasahan nilang mga kabataan na sa pamamagitan ng impeachment trial ay mapanagot ang bise presidente sa mga anomaliyang ginawa nito nang siya pa ang kalihim ng Department of Education at ang walang habas na paggasta ng kaniyang confidential fund sa ilalim ng kaniyang pamumuno sa Office of the Vice President.

Sa kabila nito, patuloy silang kikilos at umaasa pa rin na iiral ang batas laban sa pangalawang pangulo dahil sapat aniya ang mga inilahad na ebidensya na isinampa sa impeachment case.