-- Advertisements --
May hakbang ng ginagawa ang Department of Agriculture (DA) para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na mayroong inilaan ang gobyerno ng P45 bilyon para sa El Niño response.
Sa nasabing halaga ay nailabas na ang P6.2-B kung saan layon nito ay para mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain at maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain.
Magugunitang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat ang inflation nitong buwan ng Setyembre.
May hakbang din aniya ang gobyerno para labanan ang anumang epekto ng El Niño sa bansa.
















