-- Advertisements --
SLAOAG CITY – Kinumpirma ni Senador Imee Marcos na matunog ang kanyang pangalan sa mga pinagpipiliang magiging bagong Senate President sa bansa.
Ayon sa kanya, narinig na niya ang tungkol dito at naniniwala siyang ang dahilan dito ay walang matapang na kayang humarap laban sa kongreso.
Gayunman, hindi aniya siya kalaban ng kongreso lalo pa’t marami siyang kaibigan na miyembro nito ngunit ibinunyag niyang may nangyayaring bardagulan.
Iginiit niya na hindi dapat ganito ang nangyayari bagkus dapat ay nagtutulungan sila.