-- Advertisements --

Umaasa ang Bureau of Immigration (BI) na magiging sagot ang bagong pasilidad na itinayo sa New Bilibid Prisons (NBP) sa lumulubong bilang ng mga foreign nationals na naaaresto sa bansa.

Binuksan ng BI ang bagong warden facility sa loob ng Bilibid na may kakayahang mag-accommodate ng 450 detainees. Kaya din itong i-expand para magkasya ang hanggang 700 katao sa loob.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, labis na ang bilang ng mga dayuhang nahuhuli sa mga serye ng operasyon kaya kailangan na ng bagong pasilidad.

Malaking porsyento ng mga ito ay naaresto sa mga serye ng operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming operators (POGO) na pangunahing pinapatakbo ng mga dayuhan tulad ng mga Chinese.

Hindi na sapat aniya ang lumang pasilidad ng BI na kaya lamang mag-accommodate ng mahigit 100 detainees, habang inaasahang magpapatuloy pa ang pagdami ng bilang ng mga naaarestong dayuhan, kasabay ng tuloy-tuloy na anti-POGO operations.

Kasama ang BI sa mga government agency na naka-focus sa total ban sa POGO, kasunod ng naunang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong nakalipas na taon.