USA BASKETBALL TEAM
USA BASKETBALL TEAM/ TWITTER IMAGE

Aminado si USA Basketball Team coach Gregg Poppovich na maraming mga bansa pa ang makakatalo sa kanila sa FIBA World Cup na magsisimula sa August 31 sa China.

Aniya, marami kasing mga NBA players na rin na maglalaro sa ibang mga bansa ang desididong makuha ang kampeonato.

Isang inihalimbawa ng beteranong coach ay ang pagkatalo nila sa Australia na nagpapatunay na may mga magagaling na koponan pa bukod sa kanila.

Tinukoy din ni Poppovich ang pagiging malakas na ng Greece matapos na makuha nila ang kasalukuyang NBA Most Valuable Player na si Giannis Antetokounmpo.

Andiyan rin aniya ang Serbia na siyang nanalo ng 2014 World Champion at 2016 Olympics.