Mainit na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte si US Secretary of State Mike Pompeo.

Pinangunahan ng Pangulo ang pagsalubong kay Pompeo sa paglapag ng kaniyang eroplano sa Villamor Airbase dakong 9 p.m. Huwebes ng gabi.

Bukod sa pangulo ay sumalubong din sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin at DFA Assistant Sec. Lumen Esleta.

Binubuo naman ng US delegations nina US Ambassador to the Philippines Sung Kim, Senior Bureau Officials Patrick Murphy, Robert Palladino ang deputy spokesperson of US Department of State.

Agad na nagtungo ang mga opisyal at doon isinagawa ang pagpupulong.

Magugunitang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na kabilang sa mga pag-uusapan ay ang mutual concern ng dalawang bansa gaya ng security at paglaban sa terorismo.