-- Advertisements --
Mainit na tatanggapin ng China si US Secretary of State Antony Blinken.
Nakatakdang bumisita si Blinken sa China sa darating na Pebrero 5.
Ayon kay Wang Wenbin ang tagapagsalita ng Chinese foreign ministry, na mayroong bukas na komunikasyon ang China at US.
Mas magandang magkaroon pa ng mapayapang pag-uusap ang US at China kaysa komprontasyon na siyang maituturing ng isang “win-win” solution.
Magugunitang inanunsiyo ng US State Department na makikipagpulong din si Blinken kay Chinese Foreign Minister Qin Gang sa Beijing sa darating na Pebrero 6.