Mahigit 300 katao ang nasawi sa Khyber Pakhtunkhwa province sa hilagang-kanlurang bahagi ng Pakistan matapos ang dalawang araw ng matinding pag-ulan at flash floods, ayon sa mga lokal na opisyal nitong Linggo (araw sa Pilipinas), Agosto 17.
Ayon sa National Disaster Management Authority, karamihan sa mga nasawi ay nalibing matapos matabunan ang kanilang mga bahay nang gumuhong lupa, at ang ilan ay nasawi matapos tamaan ng kidlat. Mahigit 137 katao rin ang naiulat na sugatan.
Isa sa mga residente ang nagsabing parang end of the world ang naramdaman habang matapos ang malalakas na agos ng baha.
Pinakamalubhang tinamaan ang Buner district, kung saan 184 ang nasawi at matindidng pinsala sa inprastruktura, pananim, at pagkasira ng mga punong-kahoy.
Nagpapatuloy naman ang paghahanap sa mga nawawala, habang marami ang nananatiling stranded dahil sa baha, kabilang ang mga kababaihan at bata.
Samantala ang malawakang pag-ulan ay bahagi ng magang pagsisimula ng monsoon season ng bansa, na ayon sa mga opisyal ay magtatagal ng isang linggo.
Matinding pinsala rin ang naitala sa mga karatig-bansa gaya ng India at Nepal.