-- Advertisements --

Pinangunahan ng grupong Alpha Phi Omega-San Carlos City Pangasinan Alumni Association (APO-SACIPAA) nitong August 12, 2025 ang pamimigay ng libreng gatas (Reliv Milk) sa mga kwalipikadong estudyante ( hindi malusog ang mga pangangatawan at mababa ang timbang dahil sa stado ng buhay) sa Umangan Elementary School- Barangay Umangan- Mangatarem Pangasinan.

Ito ay sa pangunguna ni Teacher Rebecca A Gabriel-Teacher III- SPO3 Liza C Gonzalez (PNP-Retired) at Teacher MEZIL V. Benedito Head Teacher 3 ng Enrico T Prado National High School,Aguilar lna parehong membro ng Alpha Phi Omega.

Ang nasabing programa na tinatawag ng mga APO-Reliv NOW Health Care Program ay kanilang ginagawa buwan buwan na supply sa loob lamang ng San Carlos City ngunit sa pakikipag-ugnayan ni Teacher Mezil ay dinala ito ng APO San Carlos City sa Mangatarem Pangasinan.

Ito ay naisagwa sa maayos na koordinasyon at pakikipagtulongan ni Teacher VANESA A SALAZAR- Master Teacher at Teacher GEMMA C. PEREZ- School Principal sa nasabing Paaralan – na sila ang naghikayat at namili sa mga kwalipikadong mag aaral ng nasabing Paaralan.

Ang pagbibigay ng libreng Reliv Milk ay naisasagawa sa mga ibat-ibang Paaralan sa derektang pakikipag ugnayan ni Marlon De Guzman sa Reliv Kalogris Foundation kung saan nagmumula ang libreng gatas at isa din membro ng APO San Carlos City Pangasinan.

Ang serbisyo publiko na ito ay ginagawa ng ALPHA PHI OMEGA mula sa kanilang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa sangkatauhan sa abot lamang ng kanilang kakayahan at prinsipyo ng kanilang kapatiran ng maging Mamuno sa kawang-gawa- pala- Kaibigan sa lahat at Serbisyo sa nangangailangan.