-- Advertisements --
Pinatawan ng 20-taon na pagkakakulong si pro-democracy media tycoon ng Hong Kong na si Jimmy Lai.
Kasunod ito sa pagkontra niya sa national security law kung saan pinaburan niya ang mga pinaglalaban ng mga dayuhan.
Tinawag naman ng mga rights group na isang parusang kamatayan ang ipinataw sa 78-anyos na si Lai.
Ikinakabahala kasi nila ang lagay ng kaniyang kalusugan dahil na rin sa kaniyang edad.
Si Lai na isang Briton ay kritiko ng China kung saan ginamit ang kaniyang diyaryo na Apple Daily para iparating ang kaniyang protesta.
















