-- Advertisements --

Nagbigay ng matinding babala si Malaysian King, Sultan Ibrahim Iskandar, sa Ministry of Defense nito laban sa paulit-ulit na mga pagkakamali sa pagbili ng military equipment, partikular na ang mga lumang aircraft na maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng mga piloto at sundalo ng Malaysia.

Binigyang-diin ng Hari ang masamang karanasan ng Malaysia sa pagbili ng second-hand A-4 Skyhawk mula sa Estados Unidos noong 1982, na hindi ganap na nagamit at nagkaroon ng mataas na accident rate. Aniya, “Do not repeat the past mistake like when we bought second-hand Skyhawks… Are we going to put our pilots in ‘flying coffins’? Think for yourselves,”

Binatikos din niya ang umano’y presensya ng mga “agents,” o mga dating heneral, at maging mga negosyanteng walang kaugnayan sa defense sector na nasasangkot sa mga procurement deal, kabilang ang mga nagbebenta ng drones at lumang helicopters.

Kasama sa kanyang mga babala ay ang pagtutol sa planong pagbili ng mga higit 30 taong gulang na Black Hawk helicopters at ang overpriced na pagbili ng rigid raiding craft na aniya’y mas mura sanang nakuha.

Kinondena rin ng Hari ang pagkaantala ng combat diving pool project sa Rejimen Gerak Khas (RGK) Camp na dapat ay natapos noong 2022, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin operational.

Nanawagan siya sa pamahalaan na unahin ang pagbili ng makabagong kagamitan upang mapanatili ang kahandaan ng militar.

Nagbabala din ang Hari na: “do not try to fool me. If you do not want to heed my advice, I will not speak up again,.”