Aabot sa 19 na pulis ang ipinadala ng Philippine National Police sa South Sudan para magsilbing peacekeeping force ng United Nation.
Patunay ito na nakahanda rin ang kanilang organisasyon na maghatid ng kapayapaan at kaayusan sa international community hindi lamang sa Pilipinas.
Ang nasabing mga pulis ay magsisilbing Individual Police Officers ng United Nations Mission sa nasabing bansa.
Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang send-off ceremony sa Kampo Crame para sa unang batch ng mga pulis na nagtapos ng kanilang misyon, at binigyang-parangal sila sa kanilang serbisyo, tapang, at dedikasyon.
Sa pag-alis ng panibagong batch, pinaalalahanan sila ni Torre na itaguyod ang kanilang pangako sa paglilingkod, dangal, at international cooperation.