-- Advertisements --

Pormal nang binuksan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang budget process para sa lahat ng civil society.

Ito ay matapos ang isinagawang turnover ceremony para sa 2026 National Expenditure Program na pinangunahan mismo ni Speaker Martin Romualdez.

Sa naturang seremonya ay ibinigay ng lider ng Kamara ang kopya ng 2026 National Expenditure Program sa mga kinatawan ng civil society organization sa bansa.

Kung maaalala, ipinasa ng Kamara ang House Resolution No. 94, na nagpapahintulot sa mga organisasyon ng mga mamamayan na lumahok bilang mga tagamasid na walang boto sa mga deliberasyon ng badyet.

Ito ay bahagi ng reporma ng Kamara upang gawing mas malinaw at bukas ang proseso ng pagbabadyet.

Dumalo sa pagpupulong ang mga CSO tulad ng Social Watch, CODE-NGO, Jesse Robredo Institute of Governance, Philippine Legislators’ Committee on Population and Development, Child Rights Network, Parents Against Vape, Campaign for Tobacco-Free Kids, Multiply-Ed Philippines, FOI Youth Initiative, Safe Travel PH, REID Foundation, People’s Budget Coalition/Citizen’s Budget Tracker, at Novalerto Youth.

Nagpahayag ng suporta ang mga CSO sa hakbang na ito ng Kamara.